Tuesday, September 23, 2008

Longganisa Day

Today is longganisa day.

Tama ba ang ispeling? Habang natutulog ako walang ibang ginawa si mudra kundi sabihin, "anak nandiyan na ang longganisa mo, kumain ka na." Si father naman eh wala din sawa ng paalala sa akin, "anak yung longganisa lumalamig na. Magbabaon ka ba?" Aba ang sweet naman nila.

Sa pag mamadali ko kanina eh hindi ko na nagawang kumain kaya ang lola niyo grab ng plastic na pang yelo at dun kinabit ang baon - 1 and 1/4 na longganisa. Hmmm.. hindi niyo maimagine noh? Dapat kasi dalawa yun pero dahil busy busyhan ako, si father ata akala hindi na ako kakain. Ayun nilantakan ang ulam ko, kaya 1/4 na lang hahaha. At dahil nga in a rush ang lola niyo mega lagay na lang sa bagey ang ulam. Hindi ko na nga naitali kaya nangamoy lafang ang bagey ko. Amoy Pampanga.

Pagdating ko sa opis mejo sad sadan pa ako. Paano kasi ang partner in crime ko eh wala. May sakit ang anak kaya ako lang mag-isa ang maghahasik ng lagim. In peyrness eh behave ako kanina. Mejo napapaisip kasi ako kung sino ba ang makakasabay at makakabiruan ko pag lunch na. Buti na lang andun ang mga lalakeng friendships ko to save the day.

Yes, here I go again. One of the boys ulit. Natatawa ako kasi hindi talaga ako talo sa kanila. Para lang din akong lalake. Wahahaha!!! Pagbaba ko nagulat ako kasi hinihintay talaga nila ako.

Andy: Oy bakit andito pa kayo? Hindi kayo maglalunch?

Mark: Hindi pa namin alam kung san kami kakain eh. Ikaw?

Andy: May baon ako!! (parang batang mayabang ang tono ng boses. Sabay flash ng plastic na may 1 and 1/4 na longganisa)

Mga boys: Wahahaha! Talagang finlash mo pa ha.

Gian: Ang liit. Parang pang bata.

Andy: Sorry, hindi kita bibigyan. Hahaha

Mac: Ok lang, parang nakakatakot naman kasi yang baon mo.

Habang naglalakad papuntang Mcdo eh lumalafang na ako. Pag dating dun nagulat sila na ubos na pala. Kung anong kaek ekan na ang napagkwentuhan namin. Mejo double meaning at nakakatawa dahil may kinalaman sa longganisa. Hindi naman ako nababastusan kasi green-minded din ako. Ayoko lang isipin na parang ang sagwa dahil ang ulam ko ay longganisa . Oh well, Wahahaha..

Pagtapos ng lunch binuksan ko ang mobayl phone ko. May nagtext:

Doreena: Ateng, magkano ang basic sa opis mo?

Andy: Ateng, ok lang pero compared sa iba mas mataas. Malamang mas tataas pa sayo dahil sa tenureship at experience mo.

Doreena: Ayoko na kasi ditech eh. Sabihin ko sayo pag lilipat na ako

Andy: If its any consolation girl, maraming longganisa dito. Mag eenjoy ka promise.

Doreena: Ay I love it!

Yes Doreena, I can't wait sa ating reunion dahil mega kwento ko sayo ang mga masasight mo sa opis ko. Mga yummy. Pero shempre si lola may piring ang mata at ang direksyon lang ay patungo sa lalaking malaki ang L... Malaki ang Love kako. Hahaha.

Oh what a day! :)

No comments: