I take advantage of my breathing exercise on my way to work. It keeps me calm and focused. I'm trying hard to stay away from cigarettes and on binging as a way of detaching myself to it. I do not want to gain weight over the holidays, well not just yet. That's why I breathe a lot.
Don't get me wrong. We do breathe, how else are we going to survive without air? I just take that extra step to get more oxygen into my system. As soon as I wake up, I do the dragon breathing that my beau taught me. It kinda keeps me perky and happy. If I happen to miss breakfast and find myself lounging in our office park with a cup of hot coffee, breathing takes my mind away from smoking. Though I must say, coffee and cigarettes are my favorite morning breakfast, well it used to be.
I'm on a quest to keep myself healthy now. It's sounds so funny when I say it but the thought of being healthy and living longer makes it all worth it. Also, I've had my share of rockstar parties and I guess all I want to do is to live a simple quiet life - away from all the parties, the clubbing, the bulky handsome guy models (who by the way only have their bodies to brag about), the thunderbolts (who happen to use all their money to lure young hot girls to have relationships with them ahahaha) and lastly, away from all the model catfight drama. There's always going to be a competition when it comes to who gets what, I just know what my priorities are and who I should trust.
All that aside, I have my own bulky handsome model who happens to be a BS Math grad. Im the type who goes after the long conversations and striking opinions and views in life. I guess I got the best deal. Oh wait, God gave me the best deal. Now all I have to do to keep that is to be a good little girl. Hahahaha.
I'm actually losing weight with all the breathing, walking and laughing. I just love living life with you around. :)
Yes. Ten years bago ako nakapag blog ulit. Naman kasi ang lola wala sa tamang ulirat. Ano bang pinagkaabalahan ko these past few days? Well oh well madami, pero as always eh puro kalokohan padin.
Nung isang araw lang eh nag photoshoot kami ni Jowawee somewhere over the rainbow. Grabe. Windang ako sa ganda ng epektus ng mga heavy machineries at kung ano anong eklavoo. Take note, trulaloo ang jabar wet factor dahil mainit talaga sa site namin. Eto sight niyo ang peechar:
Hindi naman mahalay diba? Mejo lang naman. Nagkaganyan talaga ang expression ng mukha ko dahil hindi ko alam kung tatangayin na ba ang pilik mata ko ng malakas na hangin.
Si Jowawee naman ang fiesty ng itsura. Parang mangangagat lang. Naalala ko si Doreena. Pag nakita niya ito malamang sabihin niyang "ipin mo ako sa wall." hahaha. May grasa pa sa shoulderness. Grabe mejo mainit init ang eksenang itich. Pero super worth it.
Kaya lang hindi din kami nagtagal dahil si Jowee ay need na mag go sago. Pero taas talaga ang kamay ko sa mga photographer ng grupong itich.
Hmmm.. Napapansin ko lang. Papogi talaga ng papogi si Jowa. It is me or is it love? wahahaha!! O dahil baka mega alaga lang talaga ako. Next time, i-aauction ko na ang lolo niyo para mag ka pera naman ako. "One Night With Max Sta. Ana" :) wahahaah.. Patay ka ngayon jowawee malamang maraming mag bibid sayo.
P.S. "I'm so super insecure!" Get to know me muna lola before mag ala judge ka. I'm not a book you know. Are you sure its me who's insecta or ikaw? hahahaha Pero dahil want na want mo si Jowa pagbibigyan kita, isang araw lang para matigil ka. Mabait naman ako, I'm willing to share sana pero I changed my mind na :)
Dress Code: 1) You are advised to come to work dressed according to your salary. 2) If we see you wearing Prada shoes and carrying a Gucci bag, we will assume you are doing well financially and therefore do not need a raise. 3) If you dress poorly, you need to learn to manage your money better, so that you may buy nicer clothes, and therefore you do not need a raise. 4) If you dress just right, you are right where you need to be and therefore you do not need a raise.
Sick Days: We will no longer accept a doctor’s statement as proof of sickness. If you are able to go to the doctor, you are able to come to work.
Personal Days: Each employee will receive 104 personal days a year. They are called Saturdays & Sundays.
Bathroom Breaks: Entirely too much time is being spent in the toilet. There is now a strict three-minute time limit in the stalls. At the end of three minutes, an alarm will sound, the toilet paper roll will retract, the stall door will open, and a picture will be taken. After your second offense, your picture will be posted on the company bulletin board under the ‘Chronic Offenders’ category. Anyone caught smiling in the picture will be sectioned under the company’s mental health policy.
Lunch Break: * Skinny people get 30 minutes for lunch, as they need to eat more, so that they can look healthy. * Normal size people get 15 minutes for lunch to get a balanced meal to maintain their average figure. * Chubby people get 5 minutes for lunch, because that’s all the time needed to drink a Slim-Fast.
Bereavement Leave: This is no excuse for missing work. There is nothing you can do for dead friends, relatives or co-workers. Every effort should be made to have non-employees attend the funeral arrangements in your place. In rare cases where employee involvement is necessary, the funeral should be scheduled in the late afternoon. We will be glad to allow you to work through your lunch hour and subsequently leave one hour early.
Thank you for your loyalty to our company. We are here to provide a positive employment experience. Therefore, all questions, comments, concerns, complaints, frustrations, irritations, aggravations, insinuations, allegations, accusations, contemplations, consternation and input should be directed elsewhere.
Tama ba ang ispeling? Habang natutulog ako walang ibang ginawa si mudra kundi sabihin, "anak nandiyan na ang longganisa mo, kumain ka na." Si father naman eh wala din sawa ng paalala sa akin, "anak yung longganisa lumalamig na. Magbabaon ka ba?" Aba ang sweet naman nila.
Sa pag mamadali ko kanina eh hindi ko na nagawang kumain kaya ang lola niyo grab ng plastic na pang yelo at dun kinabit ang baon - 1 and 1/4 na longganisa. Hmmm.. hindi niyo maimagine noh? Dapat kasi dalawa yun pero dahil busy busyhan ako, si father ata akala hindi na ako kakain. Ayun nilantakan ang ulam ko, kaya 1/4 na lang hahaha. At dahil nga in a rush ang lola niyo mega lagay na lang sa bagey ang ulam. Hindi ko na nga naitali kaya nangamoy lafang ang bagey ko. Amoy Pampanga.
Pagdating ko sa opis mejo sad sadan pa ako. Paano kasi ang partner in crime ko eh wala. May sakit ang anak kaya ako lang mag-isa ang maghahasik ng lagim. In peyrness eh behave ako kanina. Mejo napapaisip kasi ako kung sino ba ang makakasabay at makakabiruan ko pag lunch na. Buti na lang andun ang mga lalakeng friendships ko to save the day.
Yes, here I go again. One of the boys ulit. Natatawa ako kasi hindi talaga ako talo sa kanila. Para lang din akong lalake. Wahahaha!!! Pagbaba ko nagulat ako kasi hinihintay talaga nila ako.
Andy: Oy bakit andito pa kayo? Hindi kayo maglalunch?
Mark: Hindi pa namin alam kung san kami kakain eh. Ikaw?
Andy: May baon ako!! (parang batang mayabang ang tono ng boses. Sabay flash ng plastic na may 1 and 1/4 na longganisa)
Mga boys: Wahahaha! Talagang finlash mo pa ha.
Gian: Ang liit. Parang pang bata.
Andy: Sorry, hindi kita bibigyan. Hahaha
Mac: Ok lang, parang nakakatakot naman kasi yang baon mo.
Habang naglalakad papuntang Mcdo eh lumalafang na ako. Pag dating dun nagulat sila na ubos na pala. Kung anong kaek ekan na ang napagkwentuhan namin. Mejo double meaning at nakakatawa dahil may kinalaman sa longganisa. Hindi naman ako nababastusan kasi green-minded din ako. Ayoko lang isipin na parang ang sagwa dahil ang ulam ko ay longganisa . Oh well, Wahahaha..
Pagtapos ng lunch binuksan ko ang mobayl phone ko. May nagtext:
Doreena: Ateng, magkano ang basic sa opis mo?
Andy: Ateng, ok lang pero compared sa iba mas mataas. Malamang mas tataas pa sayo dahil sa tenureship at experience mo.
Doreena: Ayoko na kasi ditech eh. Sabihin ko sayo pag lilipat na ako
Andy: If its any consolation girl, maraming longganisa dito. Mag eenjoy ka promise.
Doreena: Ay I love it!
Yes Doreena, I can't wait sa ating reunion dahil mega kwento ko sayo ang mga masasight mo sa opis ko. Mga yummy. Pero shempre si lola may piring ang mata at ang direksyon lang ay patungo sa lalaking malaki ang L... Malaki ang Love kako. Hahaha.
Na istar istrak na ba kayo sa taong hindi naman talaga artista?
At mga mare, na experience niyo na ba yung feeling na habang tumatagal ang relasyon ninyo papogi ng papogi si boyprend? Kasi lately ito ang napapansin ko kay jowa. Pagwapo siya ng pagwapo.
Hindi ko alam kung bakit presh na presh padin ang itsura niya kahit na bangag na "daw" siya. Paghihilamos lang daw ang katapat ng freshness niya. (Bakit sakin hindi epektib ito?)
Isight niyo ang peechur:
Kung mapapansin niyo si jowa nakaopen pa ang polo. Sowsyal! Kahit bangenge na yan poging pogi padin. Wag niyo na pansinin ang katabi, achay niya yun.
Nung gabing ito, nabilib ang mga kaibigan ko sa kanya. Pagpasok palang kasi ng bar eh ang bangas na. Bukas ang polo tapos pogi pa. Mala Robin Thicke kasi ang porma. Napansin ko nga nun na mga 5-10 seconds nakatingin lang ang mga tao (palakpakan ang achay niyang fashion designer wahahaha!)
Ryan: (host) Okay, special request ni Mika (bading) sa 21 shots, Mr. Max Sta. Ana. Max Sta. Ana daw.
Andy: Hoy mine ikaw yun! Go na noh. Kiss mo si Mika ha. Birthday naman niya eh.
Max: Hahaha. Sige. Buti na lang game ako
(Sa stage)
Mika: Andy! Pwede bang ako nalang ang kumiss? (inaantay ang approval ko)
Andy: Go mare go! (thumathumbs up pa)
Sabay tangal ni Mika ang natitirang butones sa polo ni Max. Akala mo ba eh nag init ang loka at gagawa ng scandal sa stage. Hindi naman niya kinis. Nagjojoke lang pala. Sayang inaabangan pa naman naming lahat ang eksena. Ang lolo Max nung bumalik sa lamesa namin:
Oh well Doreena, sorry ka nalang. Nauna na si Mika sa kay Max. Pero in pairness, wala pa akong pinapayagan na iovernight siya. Konting vodka pa gurl.. Hahahaha!!
Maliban sa pareho silang may scandal, pati ba naman sa damit pareho sila? Bwahahaha...
O eto isa pa..
Mukhang matindi ang competition ng dalawa. I bet ang gusto lang talaga nila malaman eh kung sinong mas hot sa mga outfit nila. Mas maganda siguro pag ako nag suot niyan. Chos!
Oh well, mas gusto ko si Kim Kardashian. Nakakatibo.. Wahaha.. Sorry mine. Ang ganda lang talga kasi niya. Pag laki ko gusto ko maging kamukha ni Kim. ΓΌ
Sino nga ba namang mag aakalang nakaloko at nakabulag ako ng lalaking ganito kagwapo? (tignan mo ang peechur dali!!!)
O diba? Pogi diba? Hahaha. Madalas kapag kasama ko siya dapat dress to kill ako. Mahirap na kasi na mapagkamalan akong achay. Sikat na nga ang kapatid ko (well soon to be paki hanap nalang sa Meg magazine na October issue at nandun siya) at achay achayan niya ako pati ba naman sa jowa ko ganun? Hahaha..
Hindi naman ako maganda pero mabait ako. Kaya siguro niya ako nagustuhan. Pang consolation nalang sa sarili ito. Hahaha.. I wonder, magising kaya ang lolo anytime soon? hahaha..
Anyhow, siya ay pinapantasya ng mga kaibigan kong bading. Nung bago palang kaming magkachikahan ni jowa or nung asa getting to know phase palang kami eh sinama ko ang mga kabadingan friends ko para husgahan siya. Yes, importante sakin ang hatol ng mga kaibigan ko towards a certain lalake na minamatahan ko. Minsan kasi hindi ko nakikita kung kupal ba. Nabubulagan kasi ako ng feeling of attraction. LOL!
Ayan, mabalik tayo sa kwento. Nasa W Grill kami nun. Sa second floor bawal magyosi kaya may mala hawla ng ibon sa gilid kung san pinipilit ng mga Lung Center members na pagkasiyahin ang sarili nila. Nagyosi kami. Ako, si jowa, si Starla at si Dorina (hindi mga totoong pangalan). Konting chika chika. Nung umalis na si jowa sabay kambyo ako kung okay ba.
Andy: Ano okay ba siya?
Starla: Oo gwapo sobra girl!! (kinikilig)
Doreena: Saka mukang malaki ang ano..
Andy: Ang ano? (natatawa)
Doreena: Ang puso gaga!!
Andy: Hindi nga? Ano ang hatol niyo?
Doreena: Parang pag nagalit yan gurl ipipin ka niya sa wall!!!
Starla: Bongga!! (nagyoyosi kaya tahimik)
Andy: Ay, I like..
At dahil nung gabing yun ay naka tight pants (skinny jeans) ang lolo mo, binansagan siyang tight pants ni Doreena. (Technically, meron original na tight pants pero next time ko na ikekwento.) Typing din siya ni Doreena kaya nang minsang nagpaskil ako ng peechur sa multiply ko nag comment siya.. Eto isight niyo ulit ang picture naman ng wallpaper ko sa office dati..
Doreena: i'm loving your pants mare! pahiramin mo ako, isama mo na din yang kasama mo sa pic, okay? sige i'll pick them up later today! chos! hahaha! =P
Andy: mare.. the pants i can lend you pero si Max hindi pwede.. may lakad kami bukas.. pero as soon as we get back imma fedex him to you.. door to door.. tapos naka box.. wahahaah :)
Max: wahaha! special delivery with red ribbon :D
Andy: Hoy.. hindi pwede yun.. sakin lang ang red ribbon chenes na yan.. red ribbon with cake.. hahaha... echos!
Doreena: yak, ang sweet. what's with the red ribbon anyway? hahaha! OMG! you guys are corrupting my virginal brain! :blush: okay, ayoko ng red, pink nalang. lols.
Andy: nak ng tuchi! anong virginal brain? chenes chenes ka!! ikaw nga nagturo ng mga kahindik hindik na anomalya sakin eh.. hahaha!!
Doreena: Yeah, i taught you how to be virginal pala! nyak! OMG, immaculate concepcion istatchu?!? =D
Andy: Wahahah!! virginal ka jan.. ikaw ang nag corrupt ng utak ko.. you even called me "mommy".. we had so many moments together.. hahaha.. darn i miss those days.. lets have an all girls night out again!
Doreena: True, we should do that again, momsie, but this time, i want to make sure that i know that i am doing para hindi kita hinahanap if i'll wake up somewhere not that nice..hahahaha! winkies! =P
So ayan. Pinagnasahan lang si Max eh kung ano ano na ang nareminisce na mga kabadingan. Trust me, nakakatawa talaga ang mga kwento namin. Hahaha..
At hindi lang kay Doreena nagtatapos ang mga pagnanasa ng mga kaibigan kong bading. Pati si Mikaela eh na victim din ng jowa ko. Pero sa susunod ko na ikekwento dahil kelangan na ni kapatid ang computer. Magdadownload nanaman ng stash niya. Stash ng music noh! Kaw ha.. hahaha..
My friendster shout out kasi is "If an angel and a devil were to fall in love w/ each other, can their love transcend the laws of heaven and hell? Can the angel set her wings on fire? Can the devil soar at daylight? This is faith's decree, love can't change what isn't meant to be."
Simple lang naman ang ibig sabihin niyan. Kahit na gaano mo gustong gawin at ibigay ang lahat para sa taong mahal mo, pag hindi kayo, hindi kayo.. Simple lang diba?
Aba.. ang lolo Miguel mo (hindi ko sha contact sa friendster) mega send ng message.
"Wow! good thought, you made me start thinking. But then its not all about angels and demons right. Are you pertaining to the rich and the poor though? That may be the message of such thought you have. Then thats what you call discrimination, dont ya think.
Then again, lets be friends, who knows maybe im your demon..."
anak ng tuchi... yun pala yun.. may descrimination chenelyn pang nalalaman.. haha..
yun pala "maybe im your demon lang pala"
grabe bow ako..
isa to sa mga pinakapointless na pick up lines na nakuha ko sa buong tanan ng buhay ko.. haha... ano naman ang kinalaman ng rich at poor? haha natatawa talga ako..
what's happening to the world?!!!! hahah...
please.. utang na loob.. mahabag ka.. hahahaha..
P.S. I dont have anything against guys using pick up lines.. mejo naweirdohan lang kasi ako at natawa sa guy na ito.. Better pa kung diniretso nalang kasi niya.. haha..
Thank you Philippe for deliberately flooding my inbox with quotations from Bob Ong's books.
I now have this certain itch to blog about it.
So here it is, Bob Ong's quotations pertaining to love and life. Enjoy!
Relasyon
“Kahit ikaw ay parang bato na manhid at walang pakiramdam, mag-ingat-ingat ka naman. dahil kahit ganyan ka, hindi nasasaktan, kaya mo namang makasakit.”
“Hindi lahat ng di kaya mong intindihin ay kasinungalingan at ang mga bagay na kaya mong intindihin ay katotohanan.”
“Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali, alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?”
”Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: Magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!“
“Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.”
“Kung hindi mo mahal and isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya..”
“Hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?”
“Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima, sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka.”
“Kung maghihintay ka lang ng lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka rin.”
“Walang taong manhid. Hindi niya lang talaga maintindihan kung anong gusto mong iparating dahil ayaw mo siyang diretsuhin.”
“Minsan akala mo may karapatan ka ng manghusga sa katangahan ng ibang tao sa pagibig dahil akala mo alam mo na lahat. Nakalimutan mo ata na minsan o higit pa, nagging tanga ka din.”
Buhay
“Kung paniniwalaan namin kayo na hindi naglaro ng tubig kahit na basa ang damit n’yo, kayo ang niloloko namin; Hindi kayo ang nakapanloloko.”
“Para san ba ang cellphone na may camera? Kung kailangan sa buhay un, dapat matagal na kong patay.”
“Iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala.”
” Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buhay nila. Dahil wala nang mas kawawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa.“
“Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan.”
“Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko.”
“Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.”
“Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko.”
“Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala”
“Mangarap ka at abutin mo ‘to. wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. kung may pagkukulang sa’yo mga magulang mo, pwede kang manisi at maging rebelde. tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa bandang huli, ikaw din ang biktima. rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili.”
“Pare, isa kang totoong tao at walang halong kasinungalingan. In English, FACT you, pare. Totoo ka. In English, FACT you!”
“Ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko.”
“…mas marami pa s’yang alam kesa sa nakasulat sa Transcript of Records n’ya, mas marami pa s’yang kayang gawin kesa sa nakalista sa resume n’ya, at mas mataas ang halaga n’ya kesa sa presyong nakasulat sa payslip n’ya tuwing sweldo.”
”…madaming teacher sa labas ng eskwelahan. desisyon mo kung kanino ka magpapaturo.”
“Nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the-blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures.”
”Mag-aral maigi; Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka sa pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher.”
“…ayokong sabihing susubok naman ako ng iba. Walang “iba”. Wala akong iiwan, meron lang babalikan. Kung meron mang iba sa ginawa ko, yun ay ang Bobong Pinoy. Kung may magsasabi man sa hinaharap na: “Sana nagpatawa ka na lang!” Yun ay opinyong handa kong tanggapin. Marami ang kaya at pwedeng gumawa ng mga isinusulat ko ngayon para sa mga mambabasa, pero ang gusto kong isulat at gawin para sa sarili, walang pwedeng tumupad kundi ako. Inumpisahan ko ang dialogue sa ikatlong libro para ipakilala sa mambabasa ang fiction. Umatras pa ‘ko ng bahagya sa ikaapat para mas maging kumportable sila dito. Sa mga susunod pa, pwede na siguro ako magtangka ng maikling kwento o nobela. Tulad ng pagsusulat ko, ayoko rin kasi malimitahan ang pagbabasa ng mga tao sa iisang klase ng libro…”
“iba ang informal gramar sa mali!!!”
“Kung kabayo gagawa ng libro mahirap maging palaging politically correct para sa mga damo.”
“Kung ako ay isang walang kwentang manunulat, english ang isusulat ko, para kahit anu anu ang sabihin ko hindi na nila mahahalata.. Kaya nga ako nagsulat sa tagalog para maintindihan ng mambabasa ang lahat ng sinasabi ko.”
Welcome to my blog's soft opening (if there's a thing such as this).
No more closing down my blog for shallow reasons i.e. relasyon related. This time, for good na ito.
What have I been up to lately? Gurl ang dami. Gusto ko man ishare lahat kaagad agad, hindi ko magawa dahil sa busy to the higest level ang lola mo. Pero I'll try promise. Hahahahaha